Muling tinanghal na kampeon ang Purok ng Nasugbu sa Panlalawigang Palaro na ginanap sa Provincial Sports Complex, Batangas City.

Sa loob ng walong taon ay hawak ng bayan ng Nasugbu ang titulong ito sa larangan ng palakasan.

Taus puso ang suporta ng mga nanunungkulan sa bayan sa sports program sa pangunguna ng Mayor Antonio A. Barcelon, mga puno ng distrito, mga punong guro at mga kaguro.

Ito’y maituturing na matinding hamon taon-taon sa mga atletang Nasugbueño. Ang aming motto, “Maglaro ng may Disiplina, Tiwala at Respeto.”

Dr. Greg V. Meneses
PSDS Nasugbu East, Batangas