Itinanghal ang Boses Bulilit ng Nasugbu East kaakibat ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, Agosto 30.

Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ng NECS upang lalong mapaigting ang pagmamahal sa ating sariling wika na nilakipan nila ng mga maka-Pilipinong awitin.

Nagkaroon din ng mga tulaan at sabayang pagbigkas na nilahukan ng mga mag-aaral sa lahat ng baitang.

Napakaganda ng gawaing ito upang lalong makintal sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng wikang sarili at kulturang Pilipino. Dapat itong mapalawig sa ating “Schooltura” upang hindi mawala sa isipan ng bawat bata.

Dr. Greg V. Meneses
PSDS Nasugbu East, Batangas