20160912 HP5-B04D, | 1Z0-591, | 640-878, | 70-246, | HP2-T23, | ST0-237, | SG0-001, | PEGACSA71V1, | HP0-M101, | 1Z0-434, | 101, | MB6-870, | PEGACPBA71V1, | 1Z0-067, | E20-007, | 642-889, | 199-01, | C9510-317, | NS0-180, | 70-414, | 101-400, | VCP550, | ADM-201, | 300-209, | CISSP-ISSAP, | PR2F, | C4040-252, | 350-080, | MB6-702, | 70-466, | API-580, | GMAT-VERBAL, | CCA-500, | MB6-886, | C_TFIN52_66, | VCPC550, | 070-246, | 1Z0-228, | C2020-703, | 070-461, | C2010-511, | HIT-001, | C_TPLM30_66, | CQA, | 70-696, | 70-469, | 400-201, | P2170-033, | CLO-001, | 070-688, | PMI-100, | 70-483, | 70-532, | 156-215.77, | C2070-582, | AHM-250, | MA0-102, | 70-534, | 300-208, | 312-50v8, | A00-211, | 70-412, | 74-343, | 070-417, | M70-201, | MB2-708, | HP0-J73, | 1Z0-034, | 1Z0-522, | PRINCE2-Practitioner, | 1V0-605, | 2V0-621, | E20-593, | 640-722, | 70-461, | HP0-Y47, | AX0-100, | M2020-733, | JN0-102, | 70-697, | 640-911, | P2180-031, | 1Z0-535, | 312-49, | CISA, | 70-337, | 70-981, | 200-125, / 300-075, / 100-105, / 300-101, / 210-260, / 300-115, / 200-310, / 300-135, / 300-320, / 210-060, / 300-070, / 200-105, / 210-065, / MA0-102, | 70-534, | 300-208, | 70-485, | 312-50v8, | A00-211, | 70-412, | 74-343, | 070-417, | M70-201, | MB2-708, | HP0-J73, | 1Z0-034, | 1Z0-522, | PRINCE2-Practitioner, | 1V0-605, | 2V0-621, | E20-593, | 640-722, | 70-461, | HP0-Y47, | AX0-100, | M2020-733, | JN0-102, | 70-697, | 640-911, | P2180-031, | 1Z0-535, | 312-49, | CISM, | CISA, | 70-337, | 70-981, | 200-125, | 300-075, / 100-105, / 300-101, / 210-260, / 300-115, / 200-310, / 300-135, / 300-320, / 210-060, / 300-070, / 200-105, / 210-065, / C9560-568. And 190-803. And 190-950. And 190-951. And 190-802. And VCS-319. And A2150-039. And CPIM-BSP. And TFINCTAPLIXM2001. And 190-755. And ISS-003. And PDDM. And SEND. And

Marco: Tatak ng Tagumpay

by Edna R. Soriano

Marco Quejano Tinamisan,  isinilang na wala ang ibabang bahagi ng katawan mula hita hanggang paa.

Sino ang mag-aakalang ang isang labing limang taong gulang na tulad ni Marco ay sasabak sa paglangoy hanggang sa makarating sa pinakamataas na yugto ng paligsahang isinasagawa ng Department of Education—ang Palarong Pambansa?

Nagsimulang mapansin ang lakas at kaalaman ni Marco sa kaniyang paaralan sa Paaralang Elementarya ng Talipan, Pagbilao, Quezon.  Nasa ikalimang baitang na sa elementary ang manlalangoy. Hatid sundo siya sa paaralan ng kanyang kuya sapagkat lubha namang napakahirap sa batang ito ang pagpasok at pag-uwi. Umani rin ng mga medalya si Marco mula sa pakikipagtunggali sa Games for Special People na isinasagawa ng Dibisyon ng Quezon. Si Gng. Joan Alejaida Mauhay ang Pansangay na Tagamasid ang gumabay sa kanya.  Buong-buo ang naging suporta ng DepEd Quezon sa pakikipaglaban ni Marco lalo pa at masuwerte rin siyang nagkaroon ng matiyagang tagapagsanay.  Sa kabila ng kanyang kapansanan naging inspirasyon ni Marco ang suporta at tiwala ng mga tao sa kanyang paligid.

Napabilang si Marco sa mga panlabang Atleta ng Quezon Division sa kategorya ng SPED-Orthopedically Handicapped sa ginanap  na  Southern Tagalog Calabarzon Athletics Association (STCAA) 2014 sa Lucena City. Umani ng pilak at medalyang ginto ang pambato ng Quezon matapos nitong maipakita ang kanyang husay sa paglangoy.

Mula sa STCAA naging kabahagi ng Region IV-A CALABARZON  Team si Marco sa swimming Team OH category.

Ano nga ba ang nararamdaman ngayon ng batang ito na may natatanging pangangailangan?  Paano nga ba siya makikipagsabayan sa mga katunggaling simbilis ng mga isda kung lumangoy sapagkat taglay nila ang bahagi ng katawang wala si Marco?

Nakatataba ng puso ang determinasyon ni Marco na mapatunayan sa mga taong hindi hadlang ang kawalan niya ng mga paa upang magawa ng buong husay ang gusto niya,  ang paglangoy.

Lahat ay nakayanan ng manlalangoy at buong tagumpay niyang naipakita sa mga tao na ang kayang gawin ng ibang normal na bata ay kaya rin niyang magawa.  Dagdag pa rito, kamangha-mangha rin ang husay  niyang sumayaw.

Tulad ng isang tipikal na kabataan, bahagi na rin ng buhay ni Marco ang musika  lalo na ang mga awitin ni Daniel Padilla.  Kabaligtaran ang liriko ng Nasa Iyo na ang Lahatsapagkat  malaki ang ipinagkait ng tadhana kay  Marco.

Hindi man siya pinagkalooban ng kumpletong bahagi ng katawan,  napupunan naman ito ng pagmamahal at pagsuporta ng kanyang pamilya.  Sila ang nagiging inspirasyon at gabay ni Marco sa mga gusto niyang gawin. Nakukumpleto ang mga paa ni Marco dahil sa tulong ng kanyang pinsang si John Lloyd na  pumapasan sa kanya upang hindi gaanong mapagod ang manlalangoy.

Marami na ngang pinagdaanang hirap ang batang si Marco. Labinlimang taon na siyang walang mahaplos na mga paa.  Hindi rin niya mayakap ang pamilya sapagkat wala rin siyang kaliwang kamay mula kili-kili.  Matamis na ngiti at tapik  lamang ng kanyang kanang kamay ang naibibigay niya sa mga taong malapit sa kanya.

Tuwing pinapanood siya ng mga tao kung paano siya magsuot ng kanyang damit gamit lang ang isang kamay, at tuwing pinapalakpakan siya ng marami ay kapansin-pansin  ang likas na pagkamahiyain ni Marco.

Ang tapang at lakas ng loob ay namamalas sa pagkatao ni Marco tuwing siya ay lumalangoy. Dahil sa mainit na paghanga ng mga tao sa kanyang paligid walang imposible para kay Marco.

Palakpakan at hiyawan ng mga manonood ang nagbibigay lakas kay Marco upang makarating sa dulo ng kanyang paglangoy. Bawat paglusong niya sa palanguyan, baon niya ang pagmamahal ng mga magulang at pamilya. Itinataas din ng paghangang nagmumula sa mga manonood ang damdamin ng atleta upang ipagpatuloy at habulin ang mga katunggali sa bawat paligsahang kanyang nilalahukan.

Bakal man ang puso mo, tiyak itong matutunaw kapag nakita mo kung paanong lumakad si Marco patungo sa gilid ng swimming pool. Manipis na ngiti lamang ang iiwanan niya sa bawat tumatawag sa kanyang pangalan subalit tatatak ito ng malalim na marka sa iyong puso.

Walang paa subalit mas matangkad pa sa 6th footer ang kanyang determinasyon. Iisa ang kamay subalit maalab at mainit na yakap sa pamamagitan ng kanyang mga mata ang hahaplos sa iyong puso.

Marco, pangalang nagmarka sa puso ng nakasaksi kung paano siya lumangoy sa Palarong Pambansa 2014, Tinamisan, nilagyan ng tamis ang mapait na kakulangan ng kanyang katawan, ang husay at galling niya sa paglangoy.

Marco Tinamisan, ang inspirasyon ng mga taong naging bahagi ng kanyang buhay lalo na ang mga delegasyon ng Rehiyon IV-A Calabarzon.

This might interest you: